Martes, Disyembre 19, 2017

Panaginip salin ni Raan Tajonera


Panaginip

Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng lumipad. Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago umalis ang panaginip Ang buhay ay isang tigang na lupa Nababalot ng Niyebe at Yelo

Lunes, Disyembre 18, 2017

Wala Akong Kailangan Mula Rito salin ni Pamela Gonida


 Wala Akong Kailangan Mula Rito 

ni Lásló Krasznahorka

Iiwan ko ang lahat dito: ang mga lambak, mga burol, mga daanan, at mga bludyey mula sa mga hardin. Iiwan ko rito ang mga tandang at mga pari, ang langit at lupa, ang tag-sibol at tag-lagas. Iiwan ko rito ang mga ruta palabas, mga gabing nasa kusina, ang huling maalab na tingin, at lahat ng mga daan sa siudad na nakapanginginig. Iiwan ko rito ang malawak na takipsilim na bumabagsak sa lupa, ang grabidad, pagasa, kahiwagaan, at katahimikan. Iiwan ko rito ang aking mga minamahal at mga malalapit sa akin, lahat ng sa aki’y humawak, lahat ng sa aki’y gumulat, nagpagalak, at nagpalakas ng loob. Iiwan ko rito ang marangal, ang mabuti, ang kaaya-aya, at ang mapang-akit na ganda. Iiwan ko rito ang namumukadkad, ang bawat kapanganakan at buhay. Iiwan ko rito ang orasyon, ang misteryo, ang mga distansya, ang hindi pagkapagod, at ang nakalalasong walang hanggan; sapagkat iiwan ko ang mundo’t mga bituin na ito dahil wala akong dadalhin mula rito, dahil nakita ko ang kung anong paparating, at wala akong kailangan mula rito.



Linggo, Disyembre 17, 2017

Ang Pangit Na Bibe salin ni Jabez Yaco


Ang Pangit Na Bibe

Ito ay isang magandang araw ng tag-init. Ang araw ay kumikinang na mainit sa isang lumang bahay malapit sa isang ilog. Sa likod ng bahay isang inahing pato ang nakaupo sa sampung itlog."Tsik".At isa isa silang napisa. Lahat ay napisa maliban sa isa. Ang isa ay ang pinakamalaking itlog ng lahat. Ang inahing pato ay nakaupo sa malaking itlog. Sa wakas ito ay bumukas, "Tsik, tsik!" Lumabas ang huling sisiw. Mukhang itong malaki at malakas. Ito ay kulay-abo at pangit. Kinabukasan ay inaatasan ng inahing pato ang lahat ng maliliit na bibe sa ilog. Tumalon siya dito. Ang lahat ng kanyang mga sisiw ay tumalon. Ang malaking pangit na sisiw ay tumalon din. Lahat sila ay lumangoy at naglaro nang sama-sama. Ang pangit na sisiw ng putik ay mas mahusay kaysa sa lahat ng iba pang mga bibe. - kwak, kakuwento! Sumama ka sa bakuran ng sakahan! - sabi ng ina pato sa kanyang mga sisiw at sinundan nila ang lahat doon. Ang bakuran ng sakahan ay napaka maingay. Ang kawawang bibe malungkot doon. Ang mga inahing manok at tinutuka siya, ang tandang lumilipad sa kanya, ang mga pato ay kinagat siya, sinipa siya ng magsasaka. Sa wakas isang araw ay tumakbo siya. Dumating siya sa isang ilog. Nakikita niya ang maraming magagandang malaking ibon na lumalangoy doon. Ang kanilang mga balahibo ay napakamaputi, ang kanilang mga leeg ay napaka haba ang kanilang mga pakpak ay napakaganda. Ang maliit na sisiw na pato ay tumitingin at tinitingnan sila. Nais niyang makasama sila. Nais niyang manatili at panoorin sila. Alam niya na sila ay mga sisne. Oh, kung paano niya gustong maging kagaya nila. Ngayon ay taglamig na. Lahat ay maputi na may niyebe. Ang ilog ay natatakpan ng yelo. Ang pangit na sisiw at nilalamig ng sobra at lugmok na lugmok na siya. Dumating muli ang tagsibol. Ang sikat ng araw ay kumikinang. Lahat ay sariwa at maberde. Isang umaga ang pangit na sisiw na pato ang nakakita muli ang magagandang mga sisne. Gusto niya talaga silang kasama lumangoy sa ilog. Ngunit natatakot siya sa kanila. Nais niyang mamatay. Kaya tumakbo siya papunta sa ilog. Tinitingnan niya ang tubig. Doon sa tubig nakikita niya ang isang magandang sisne. Siya ito! Hindi na siya isang pangit na sisiw na pato. Siya ay isang magandang puting sisne.

Sabado, Disyembre 16, 2017

Kamusta Na Tayo salin ni Emmanuel Vito Cruz


Kamusta Na Tayo?

Pakiusap, sabihin mo sakin at wag magsinungaling. Wala na ba ang namamagitan satin Nakita ko ang pagkakaiba ng nakaraan At matiyagang naghihintay, Umaasang hindi magtatagal. Binigay ko ng lahat ng kaya kong ibigay, Pero ang ibinalik mo sakin Ay tila'y pagsasawa na Sabi mo walang problema at sabi mo okay ka Tila'y umaarte na ang problema ay ako May mga bagay na hindi na gaya ng dati Ginawa ang lahat ng makakaya sinusubukang ayusin muli Ang paraan na ipinakita Ang pagmamahal sa isa't iaa Na walang pangigil sayo O sinusubukan na malinawan Kailangan kong malaman ang isang bagay kung totoo. Mahal mo pa ba ko Gaya ng dati?

Ang Laban Ng Aking Buhay salin ni Tristan Pesa


Ang Laban Ng Aking Buhay

Ang laban ng aking buhay
Hindi ko gustong lumaban,
gayon pa man nagsimula ka ng giyera
sa bawat tawag na ibinigay mo ako ay
lumakas kaysa sa dati
Hindi ako susuko,
Hindi ako bibigay,
Hindi mo ako mapapatumba
Hindi kita hahayaang manalo.

Ang Hardinero XLVI: Iniwan Mo Ako salin ni Zeenah Rosete


Ang Hardinero XLVI: Iniwan Mo Ako

ni Rabindranath Tagore

Iniwan mo ako at nagpatuloy sa iyong landasin.
Inakala 'kong dapat kitang tangisan
at ilagak ang iyong alaala sa aking puso sa isang ginintuang awitin.
Ngunit, aking mailap na kapalaran, maikli lamang ang ating panahon.
Ang kabataan ay kumukupas paglaon ng mga taon; ang mga araw ng tagsibol ay buhong; ang mga marupok na bulaklak ay namamatay para sa wala, at ang pantas na lalaki ay nagpapaalala sa akin na ang buhay ay isa lamang patak ng hamog sa dahon ng baino.
Dapat ko bang kalimutan ang lahat ng ito upang pagmasdan ang taong sa aki'y tumalikod?
Iyon ay magiging kagaspangan at kahangalan, sapagkat maikli lamang ang ating panahon.
Kung gayon, halika, aking mga mauulang gabi nang may pananabik; ngumiti ka, aking ginintuang taglagas; halika, malayang Abril, isinasambulat ang iyong mga halik sa paligid.
Ikaw ay pumarito, at ikaw, at ikaw din!
Mga sinta ko, batid ninyong tayo ay mga mortal.
Matalino ba ang pagdurog sa puso ng isang tao para sa taong iniibig niya? Sapagkat maikli lamang ang ating panahon.
Mainam ang umupo sa isang sulok upang magmuni-muni at magsulat nang may pagtutugma na ikaw ang aking daigdig.
Magiting ang pagyakap sa lumbay ng isang tao at pagpasiya na huwag aliwin ng sinuman.
Ngunit isang bagong mukha ang sumilip sa aking pinto at inangat ang kanyang paningin sa aking mga mata.
Wala akong ibang ginawa kundi punasan ang aking mga luha at baguhin ang tono ng aking kanta.
Sapagkat maikli lamang ang ating panahon.

Ang Langgam At Ang Kalapati salin ni Christofer Paglinawan

Ang Langgam At Ang Kalapati

Sa isang ma-alinsangang tag-int, may isang langgam na naghahanap ng maiinuman ng tubig. Pagkatapos maglakd ng paunti-unti, ito'y nakakita ng ilog. Para makainom siya ng tubig, ito'y inakyat ang isang maliit na bato. Habang sinusubukan niyang uminom ng tubig, ito'y nadulas at nahulog papunta sa ilog.


Sa pagkakataong iyon, mayroong isang kalapati na nakaupo sa sangay ng puno na nakitang mahulog ang langgam sa ilog. Ang kalapati'y mabilis na pumutol ng dahon at ito'y hinulog malapit sa langgam. Ang laggam ay kumilos papunta sa dahon at umakyat dito. Sa madaling panahon, ang dahon ay naanod sa tuyong lupa, at nakaligtas ang lanngam. Tumingala sa itaas ang langgam at pinasalamatan ang kapalati.



Kinabukasan, sa araw rin na iyon, may isang mangangaso ng ibon na nagbabalak na ibato ang kaniyang lambat sa kalapati upang mahuli ito. Ang mangangaso'y nakita ng langgam at nalaman nito ang pakay ng mangangaso sa kalapati. Ang kalapati ay nagpapahinga at ito'y walang ideya na mayroong mangangaso na nagbabalak na mahuli siya. Ang langgam ay mabilis na kinagat ang paa ng mangangaso. Nang maramdaman ng mangangaso ang kagat ng lanngam, ito'y nabitawan ang lamabat at napasigaw. Napansin ito ng kalapati at mabilis na lumipad palayo sa mangangaso.

Panaginip salin ni Raan Tajonera

Panaginip Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng l...