Ang Apat Na Magkakaibigan
Isang araw sa isang maliit na nayon may nakatirang apat na Brahmins na ang mga pangalan ay Satyanand, Vidhyanand, Dharmanand at Sivanand. Sila ay lumaking magkakakasama at sila ay naging matatalik na magkaibigan. Sina Satyanand, Vidhyanand, at Dharmanand ay napakatalino. Ngunit si Sivanand ay inuubos ang oras niya sa pagkain at pagtulog. Siya ay sinasabihan na hangal ng lahat.
Nagkaroon ng taggutom sa nayon. Ang mga pananim ay namatay. Ang mga ilog at lawa ay natutuyo. Ang ibang naninirahan sa nayon ay lumilipat sa ibang nayon para mabuhay.
“Kailangan na nating lumipat kundi tayo ay mamatay katulad ng iba,” sabi ni Satyanand. Ang lahat ay sumang-ayon sa kanya.
“Pero paano si Sivanand?” tinanong ni Satyanand.
“Kailangan ba natin syang isama? Wala naman siyang alam. Hindi natin siya pwedeng isama,” sabi ni Dharmanand. “Magiging pabigat lang siya.”
“Paano natin sya iiwan? Lumaki tayong magkakasama,” sabi ni Vidhyanand. “maghahati-hati tayong apat kung ano ang malilikom natin sa isa’t isa.”
Sila ay sumang-ayon na isama si Sivanand.
Dinala nila ang mga importateng bagay para sa kanilang paglalakbay. Habang sila ay naglalakbay kailangan nilang pumunta sa isang gubat.
Habang sila ay naglalakad sa gubat may nakita silang buto ng isang hayop. Sila ay nagtataka at huminto sa paglalakad upang tignan ang mga buto.
“Ito ay mga buto ng isang leon,” sabi ni Vidhyanand
Sumang-ayon ang iba.
“Ito ay isang magandang oportunidad upang sukatin an gating kaalaman,” sabi ni Satyanand.
“Kaya kong ipagdugtong ang mga buto.” Ipinagdugtong niya ito sa kaanyuan ng isang leon.
Sabi ni Dharmanand, “Kaya kong ibalik ang mga laman nito.” Ang walang buhay na leon ay nakatabi sa kanila.
“Kaya kong buhayin ang leon.” Sabi ni Vidhyanand
Bago niya ito buhayin si Sivanand ay napatalon sa kanya upang pigilan ito. “Wag! Wag mong buhayin ang leon pwede nating ikamatay ito,” paiyak niyang sinabi.
“Duwag! Hindi mo ako mapipigilan sukatin ang aking kaalaman,” Pasigaw na sinabi ni Vidhyanand. “Narito ka sa amin dahil ako ang nakiusap sa iba para makasama ka.”
“Kung gayon hayaan mo akong makaakyat sa puno,” sabi ni Sivanand habang takot na umakayat sa malapit na puno. Nang nakaakyat si Sivanand sa mataas na sanga ng puno binuhay ni Vidhyanand ang leon. Pagkabangon, ang leon ay nagatungal at pinatay ang tatlong matalinong Brahmins.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento