Ang Matalinong Magnanakaw
Si Devan ay isang matalinong magnanakaw. Pinagnanakawan niya ang mga mayayaman at binibigay sa may mga sakit at mahihirap lahat ng nanakaw niya. Yung ibang magnanakaw ay naiinggit sa kanya. Nagplano sila na tanggalin siya. Kayat hinamon nila si Devan na nanakawin ang pantulog ng hari.
Tinanggap ni Devan ang hamon. Tapos noon ay naghanda na siya upang gawin na ang pagsubok na ibinigay sa kanya. Gumawa siya ng plano kung paano niya ito mananakaw at inihanda ang pag-iisip niya.
Pinuntahan niya ang palasyo ng hari at natagpuang tulog ang hari. Binuksan niya ang isang boteng puno ng mga pulang langgam. Kinagat ng mga langgam ang hari kaya nagising siya at humingi ng tulong. Nagmadaling pumasok ang mga ‘katulong’, at nagkunwaring maghanap ng mga langgam. Kinuha ni Devan ang padyama ng hari at umalis. Yung ibang mga magnanakaw ay nagulat sa nagawa ni Devan.
Ginawa nilang lider si Devan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento