Lunes, Disyembre 11, 2017

Ang Dalawang Palaka salin ni Daniel Costales


Ang Dalawang Palaka 


 Merong isang grupo ng palaka na naglalakbay sa kagubatan, at habang naglalakbay sila nahulog ang dalawang palaka sa isang malalim na hukay, sabi ng mga kasamahan nila na sila ay wala ng pagasang makaakyat at masmabuti pang sila ay mamatay na upang ang buhay nila ay mas mapadali, ngunit hindi pinansin ng dalawang palaka ang mga pinagsasabi ng ibang palaka at patuloy silang buong lakas na tumatalon upang makaalis sa hukay. Ngunit patuloy parin na sinasabi ng ibang palaka na tumigil na sila at masmapapadali pa ang buhay nila. At nang sa gayon, ang isang palaka ay tumigil na sa pagtalon at patuloy na nahulog sa hukay at namatay.

Ngunit ang isang palaka ay hindi nag paawat at patuloy paring tumatalon. At sa muli, ang mga ibang palaka ay nagsigawan at sinasabing tumigil na siya sakakatalon dahil lalo lang siyang masasaktan at sinasabi nilang masmabuti pang mamatay na lang siya, ngunit mas malakas pang tumalon ang palaka habang sinasabi nila ang mga bagay na iyon hanggang sa siya ay nakaalis sa hukay. Nang makaalis siya sa hukay tinanong ng ibang palaka kung narinig niya ba ang mga pinagsasabi nila, at ng sandali ipinaliwanag ng palaka na siya ay bingi at akala niya'y siya ay buong magdamag na hinihimuk ng kanyang kapwa palaka. 


https://www.moralstories.org/two-frogs/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Panaginip salin ni Raan Tajonera

Panaginip Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng l...