Lunes, Disyembre 18, 2017

Wala Akong Kailangan Mula Rito salin ni Pamela Gonida


 Wala Akong Kailangan Mula Rito 

ni Lásló Krasznahorka

Iiwan ko ang lahat dito: ang mga lambak, mga burol, mga daanan, at mga bludyey mula sa mga hardin. Iiwan ko rito ang mga tandang at mga pari, ang langit at lupa, ang tag-sibol at tag-lagas. Iiwan ko rito ang mga ruta palabas, mga gabing nasa kusina, ang huling maalab na tingin, at lahat ng mga daan sa siudad na nakapanginginig. Iiwan ko rito ang malawak na takipsilim na bumabagsak sa lupa, ang grabidad, pagasa, kahiwagaan, at katahimikan. Iiwan ko rito ang aking mga minamahal at mga malalapit sa akin, lahat ng sa aki’y humawak, lahat ng sa aki’y gumulat, nagpagalak, at nagpalakas ng loob. Iiwan ko rito ang marangal, ang mabuti, ang kaaya-aya, at ang mapang-akit na ganda. Iiwan ko rito ang namumukadkad, ang bawat kapanganakan at buhay. Iiwan ko rito ang orasyon, ang misteryo, ang mga distansya, ang hindi pagkapagod, at ang nakalalasong walang hanggan; sapagkat iiwan ko ang mundo’t mga bituin na ito dahil wala akong dadalhin mula rito, dahil nakita ko ang kung anong paparating, at wala akong kailangan mula rito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Panaginip salin ni Raan Tajonera

Panaginip Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng l...