Kamusta Na Tayo?
Pakiusap, sabihin mo sakin at wag magsinungaling.
Wala na ba ang namamagitan satin
Nakita ko ang pagkakaiba ng nakaraan
At matiyagang naghihintay,
Umaasang hindi magtatagal.
Binigay ko ng lahat ng kaya kong ibigay,
Pero ang ibinalik mo sakin
Ay tila'y pagsasawa na
Sabi mo walang problema at sabi mo okay ka
Tila'y umaarte na ang problema ay ako
May mga bagay na hindi na gaya ng dati
Ginawa ang lahat ng makakaya
sinusubukang ayusin muli
Ang paraan na ipinakita
Ang pagmamahal sa isa't iaa
Na walang pangigil sayo
O sinusubukan na malinawan
Kailangan kong malaman ang isang bagay kung totoo.
Mahal mo pa ba ko
Gaya ng dati?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento