Martes, Disyembre 19, 2017

Panaginip salin ni Raan Tajonera


Panaginip

Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng lumipad. Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago umalis ang panaginip Ang buhay ay isang tigang na lupa Nababalot ng Niyebe at Yelo

Lunes, Disyembre 18, 2017

Wala Akong Kailangan Mula Rito salin ni Pamela Gonida


 Wala Akong Kailangan Mula Rito 

ni Lásló Krasznahorka

Iiwan ko ang lahat dito: ang mga lambak, mga burol, mga daanan, at mga bludyey mula sa mga hardin. Iiwan ko rito ang mga tandang at mga pari, ang langit at lupa, ang tag-sibol at tag-lagas. Iiwan ko rito ang mga ruta palabas, mga gabing nasa kusina, ang huling maalab na tingin, at lahat ng mga daan sa siudad na nakapanginginig. Iiwan ko rito ang malawak na takipsilim na bumabagsak sa lupa, ang grabidad, pagasa, kahiwagaan, at katahimikan. Iiwan ko rito ang aking mga minamahal at mga malalapit sa akin, lahat ng sa aki’y humawak, lahat ng sa aki’y gumulat, nagpagalak, at nagpalakas ng loob. Iiwan ko rito ang marangal, ang mabuti, ang kaaya-aya, at ang mapang-akit na ganda. Iiwan ko rito ang namumukadkad, ang bawat kapanganakan at buhay. Iiwan ko rito ang orasyon, ang misteryo, ang mga distansya, ang hindi pagkapagod, at ang nakalalasong walang hanggan; sapagkat iiwan ko ang mundo’t mga bituin na ito dahil wala akong dadalhin mula rito, dahil nakita ko ang kung anong paparating, at wala akong kailangan mula rito.



Linggo, Disyembre 17, 2017

Ang Pangit Na Bibe salin ni Jabez Yaco


Ang Pangit Na Bibe

Ito ay isang magandang araw ng tag-init. Ang araw ay kumikinang na mainit sa isang lumang bahay malapit sa isang ilog. Sa likod ng bahay isang inahing pato ang nakaupo sa sampung itlog."Tsik".At isa isa silang napisa. Lahat ay napisa maliban sa isa. Ang isa ay ang pinakamalaking itlog ng lahat. Ang inahing pato ay nakaupo sa malaking itlog. Sa wakas ito ay bumukas, "Tsik, tsik!" Lumabas ang huling sisiw. Mukhang itong malaki at malakas. Ito ay kulay-abo at pangit. Kinabukasan ay inaatasan ng inahing pato ang lahat ng maliliit na bibe sa ilog. Tumalon siya dito. Ang lahat ng kanyang mga sisiw ay tumalon. Ang malaking pangit na sisiw ay tumalon din. Lahat sila ay lumangoy at naglaro nang sama-sama. Ang pangit na sisiw ng putik ay mas mahusay kaysa sa lahat ng iba pang mga bibe. - kwak, kakuwento! Sumama ka sa bakuran ng sakahan! - sabi ng ina pato sa kanyang mga sisiw at sinundan nila ang lahat doon. Ang bakuran ng sakahan ay napaka maingay. Ang kawawang bibe malungkot doon. Ang mga inahing manok at tinutuka siya, ang tandang lumilipad sa kanya, ang mga pato ay kinagat siya, sinipa siya ng magsasaka. Sa wakas isang araw ay tumakbo siya. Dumating siya sa isang ilog. Nakikita niya ang maraming magagandang malaking ibon na lumalangoy doon. Ang kanilang mga balahibo ay napakamaputi, ang kanilang mga leeg ay napaka haba ang kanilang mga pakpak ay napakaganda. Ang maliit na sisiw na pato ay tumitingin at tinitingnan sila. Nais niyang makasama sila. Nais niyang manatili at panoorin sila. Alam niya na sila ay mga sisne. Oh, kung paano niya gustong maging kagaya nila. Ngayon ay taglamig na. Lahat ay maputi na may niyebe. Ang ilog ay natatakpan ng yelo. Ang pangit na sisiw at nilalamig ng sobra at lugmok na lugmok na siya. Dumating muli ang tagsibol. Ang sikat ng araw ay kumikinang. Lahat ay sariwa at maberde. Isang umaga ang pangit na sisiw na pato ang nakakita muli ang magagandang mga sisne. Gusto niya talaga silang kasama lumangoy sa ilog. Ngunit natatakot siya sa kanila. Nais niyang mamatay. Kaya tumakbo siya papunta sa ilog. Tinitingnan niya ang tubig. Doon sa tubig nakikita niya ang isang magandang sisne. Siya ito! Hindi na siya isang pangit na sisiw na pato. Siya ay isang magandang puting sisne.

Sabado, Disyembre 16, 2017

Kamusta Na Tayo salin ni Emmanuel Vito Cruz


Kamusta Na Tayo?

Pakiusap, sabihin mo sakin at wag magsinungaling. Wala na ba ang namamagitan satin Nakita ko ang pagkakaiba ng nakaraan At matiyagang naghihintay, Umaasang hindi magtatagal. Binigay ko ng lahat ng kaya kong ibigay, Pero ang ibinalik mo sakin Ay tila'y pagsasawa na Sabi mo walang problema at sabi mo okay ka Tila'y umaarte na ang problema ay ako May mga bagay na hindi na gaya ng dati Ginawa ang lahat ng makakaya sinusubukang ayusin muli Ang paraan na ipinakita Ang pagmamahal sa isa't iaa Na walang pangigil sayo O sinusubukan na malinawan Kailangan kong malaman ang isang bagay kung totoo. Mahal mo pa ba ko Gaya ng dati?

Ang Laban Ng Aking Buhay salin ni Tristan Pesa


Ang Laban Ng Aking Buhay

Ang laban ng aking buhay
Hindi ko gustong lumaban,
gayon pa man nagsimula ka ng giyera
sa bawat tawag na ibinigay mo ako ay
lumakas kaysa sa dati
Hindi ako susuko,
Hindi ako bibigay,
Hindi mo ako mapapatumba
Hindi kita hahayaang manalo.

Ang Hardinero XLVI: Iniwan Mo Ako salin ni Zeenah Rosete


Ang Hardinero XLVI: Iniwan Mo Ako

ni Rabindranath Tagore

Iniwan mo ako at nagpatuloy sa iyong landasin.
Inakala 'kong dapat kitang tangisan
at ilagak ang iyong alaala sa aking puso sa isang ginintuang awitin.
Ngunit, aking mailap na kapalaran, maikli lamang ang ating panahon.
Ang kabataan ay kumukupas paglaon ng mga taon; ang mga araw ng tagsibol ay buhong; ang mga marupok na bulaklak ay namamatay para sa wala, at ang pantas na lalaki ay nagpapaalala sa akin na ang buhay ay isa lamang patak ng hamog sa dahon ng baino.
Dapat ko bang kalimutan ang lahat ng ito upang pagmasdan ang taong sa aki'y tumalikod?
Iyon ay magiging kagaspangan at kahangalan, sapagkat maikli lamang ang ating panahon.
Kung gayon, halika, aking mga mauulang gabi nang may pananabik; ngumiti ka, aking ginintuang taglagas; halika, malayang Abril, isinasambulat ang iyong mga halik sa paligid.
Ikaw ay pumarito, at ikaw, at ikaw din!
Mga sinta ko, batid ninyong tayo ay mga mortal.
Matalino ba ang pagdurog sa puso ng isang tao para sa taong iniibig niya? Sapagkat maikli lamang ang ating panahon.
Mainam ang umupo sa isang sulok upang magmuni-muni at magsulat nang may pagtutugma na ikaw ang aking daigdig.
Magiting ang pagyakap sa lumbay ng isang tao at pagpasiya na huwag aliwin ng sinuman.
Ngunit isang bagong mukha ang sumilip sa aking pinto at inangat ang kanyang paningin sa aking mga mata.
Wala akong ibang ginawa kundi punasan ang aking mga luha at baguhin ang tono ng aking kanta.
Sapagkat maikli lamang ang ating panahon.

Ang Langgam At Ang Kalapati salin ni Christofer Paglinawan

Ang Langgam At Ang Kalapati

Sa isang ma-alinsangang tag-int, may isang langgam na naghahanap ng maiinuman ng tubig. Pagkatapos maglakd ng paunti-unti, ito'y nakakita ng ilog. Para makainom siya ng tubig, ito'y inakyat ang isang maliit na bato. Habang sinusubukan niyang uminom ng tubig, ito'y nadulas at nahulog papunta sa ilog.


Sa pagkakataong iyon, mayroong isang kalapati na nakaupo sa sangay ng puno na nakitang mahulog ang langgam sa ilog. Ang kalapati'y mabilis na pumutol ng dahon at ito'y hinulog malapit sa langgam. Ang laggam ay kumilos papunta sa dahon at umakyat dito. Sa madaling panahon, ang dahon ay naanod sa tuyong lupa, at nakaligtas ang lanngam. Tumingala sa itaas ang langgam at pinasalamatan ang kapalati.



Kinabukasan, sa araw rin na iyon, may isang mangangaso ng ibon na nagbabalak na ibato ang kaniyang lambat sa kalapati upang mahuli ito. Ang mangangaso'y nakita ng langgam at nalaman nito ang pakay ng mangangaso sa kalapati. Ang kalapati ay nagpapahinga at ito'y walang ideya na mayroong mangangaso na nagbabalak na mahuli siya. Ang langgam ay mabilis na kinagat ang paa ng mangangaso. Nang maramdaman ng mangangaso ang kagat ng lanngam, ito'y nabitawan ang lamabat at napasigaw. Napansin ito ng kalapati at mabilis na lumipad palayo sa mangangaso.

Oras salin ni Krista Ronquillo


Oras 

Isinulat ni Joe Massocco

Tik tak… tik tak…
Ang buhay ay binibilangan ng sarili mong oras.
Mga alaala na parang kahapon lang nangyari Bigla nalang
naging kislap ng mga sandali na para bang unti-unti nang
nag-lalaho.
Ang mga taong minsan mong nakilala
Umalis nalang bigla nang wala man lang paalam.
Ang mga oras na pinagsaluhan niyong dalawa
ay naging oras na para bang wala ka na.
Mga taon ay lumilipas… ang mga kaibigan ay nawawala…
at hindi mo kailanman mahuhulaan kung kelan mo mabibigkas ang iyong huling paalam.
O kung maibabalik ko lang ang oras
Inilaan nalang sana sa mga taong pinakamamahal at
pinahalagahan ang kung anong meron ako nuon.
O kaya naman ibalik pa sa pinaka una
na isang musmos pa lamang na nasa tindahan ng mga kendi.
Nakaka-miss yung panahong nararamdam ko tuwing pasko,
na kung saan naniniwala pa akong totoo si santa.
Ngunit sa katotohanan… ngayong oras,
ang pamilya ay bibihira na at ang mga alaala ay patuloy
nang naglalaho.
Tik tak… tik tak...
Kung sana lang ay maikokontrol ko ang oras.


Mga Yapak Sa Buhangin salin ni Kyle Francisco


Mga Yapak Sa Buhangin

Isang gabi ako ay nanaginip, Ako ay Naglalakad sa dalampasigan kasama si Hesus. Biglang bumalik saakin alala ng nakaraan, Sa bawat pagsubok, Napansin kong may dalawang bakas ng paa. Ang isa ay saakin at ang isa ay kay Hesus, Noong lumitaw sa harapan ko ang huling kaganapan ng aking buhay, Tignignan ko ulit ang bakas ng mga paang nasa buhanginan. Napansin ko na maraming beses sa landas ng aking buhay, Lalo na yung sa pinakamabababa at pinakamalulungkot na mga panahon sa aking buhay. Napansin ko rin na isang pares nalang ng bakas ng paa. Tinanong ko ang Diyos tungkol dito, "Panginoon, Sinabi mo na kapag nagpasya ako na sundan kita ay palagi kitang makakasama. Pero napansin ko tuwing pinakamalungkot at mahirap na panahon ng aking buhay, Iisa lang ang bakas ng paa ang nandoon, Hindi ko maintindihan kung bakit, Noong kailangan kita ay wala ka." Tumugon ang Diyos "Pinakamamahal ko anak, Hindi kita iniwan, sa panahon ng sakit at hirap. Yung nakita mong isang bakas ng paa, Ayun ay saakin, Ito ang panahong pinapasan kita.

Sa Ilalim Ng Karagatan salin ni Jelai Duay


Sa Ilalim Ng Karagatan

Ano nga ba ang nasa ilalim ng asul na karagatan?
Sa ilalim ng mga alamat ng mga marino?
Kung saan nakatago ang mga nilalang sa crevices
At ang mga maninisid ay kumuha ng mga bends.

Sa ilalim ng karagatan ay may bagyo aking kaibigan,
Hindi mo alam kung ano makikita mo doon?
Ang sabi ng iba ay mga kalansay ng mga isda,

O kaya mga nakakatakot na mga nilalang.

Tama, sa ibaba ng karagatan ay madilim ,
Kung saan mga maliliit na halaman ay lumalaki,
Kung saan ay hindi mahahawakan ng sikat ng araw
Kung saan, ano kaya nakatira doon?, Ang Panginoon lang ang nakakaalam!

Minsan ko iniisip kung ano meron doon,

Sa ilalim ng malamig at madilim na katubigan.
Isang araw, may tao din na makakahanap kung ano meron sa kailaliman ng tubig,
Pero hindi ko masyado pinapakita!

-Tula ni Dee Daffodil (H.W 1982)

Lumang Alak salin ni Rhovel Ortiz


Lumang Alak

Kung sakaling maiangat ko ang aking puso ng pag ka taas-taas Ang puso kong mapupuno ng pagmamahal: Pero, nanatiling tila bakal sa poot Masyadong nag uumapaw sa nakaraan

https://m.poets.org/poetsorg/poem/old-wine

Biyernes, Disyembre 15, 2017

Maging Masaya Ang Iyong Ilong Sa Iyong Mukha, Hindi Mailagay Sa Ibang Lugar ni Jean Yu


Maging Masaya Ang Iyong Ilong Sa Iyong Mukha, Hindi Mailagay sa Ibang Lugar

Maging masaya ang iyong ilong sa iyong mukha, hindi mailagay sa ibang lugar, para kung kung saan ito ay wala, baka hindi mo gusto ang iyong ilong. Isipin kung ang iyong mahalagang ilong ay sandwiched sa pagitan ng iyong mga daliri sa paa, na malinaw na hindi magiging isang gamutin, para sa iyo ay mapipilit na amoy ang iyong mga paa. Ang iyong ilong ay magiging isang mapagkukunan ng pangamba naka-attach ito sa ibabaw ng iyong ulo, sa lalong madaling panahon ay itaboy ka sa kawalan ng pag-asa, magpakailanman tikling sa pamamagitan ng iyong buhok. Sa loob ng iyong tainga, ang iyong ilong ay magiging isang ganap na sakuna, para sa kapag ikaw ay nagpapasalamat sa pagbahin, ang iyong utak ay makapagtaka mula sa simoy. Ang iyong ilong, sa halip, sa pamamagitan ng makapal at manipis, nananatili sa pagitan ng iyong mga mata at baba, hindi mailagay sa ibang lugar - natutuwa ang iyong ilong sa iyong mukha!




Ang Apoy At Ang Yelo salin ni Johannah Marinas


Ang Apoy At Ang Yelo


Sinasabi ng ilan na mapupugnaw ang mundo sa lumalagablab na apoy

at ang iba naman ay sa malalamig na yelo.
Aking Panghahawakan ang mga taong mas nagustuhan ang apoy
Kung ano ang nais kong makuha at malasap
Sa aking palagay sapat nang may kaalaman ako sa pagkamuhi
Ngunit kung kailangan malipol ng dalawang beses,
At sapat na.
Para maipamahagi ko na ang pagkasira, na ang malamig na yelo ay tunay na makapangyarihan.

Galing Sa Aking Puso salin ni Dan Jireh Solis

Galing Sa Aking Puso



Milyun-milyong Bituin sa kalawakan

pero may isang bituin na agaw pansin ang ningning
Ang pagibig na pinakamamahal ang pagibig na napakatotoo
ang pagibig ko para sayo
sa pagitan ng iyong bisig ako’y walang dapat na ikatakot
Ang mga anghel ay kumakanta sa tuwing ika’y lalapit
basta’t kausap ka kumpleto na ang araw ko
Palagi mong alam kung ano ang sasabihin
Minamahal kita ng buong puso ko
Tayong dalawa habang buhay at hindi tayo maghihiwalay.




Huwebes, Disyembre 14, 2017

Malaya Na Sa Hindi Na Magandang Relasyon salin ni Aron Layson


Malaya Na Sa Hindi Na Magandang Relasyon

Nang maupo ko sa tabi at napaisip sa mga kasinungalingan mo
Wala akong nagawa kundi ang maiyak
Alam mong matatapos din lahat
Alam mong ito’y mamamatay
Alam mong sa dulo tayo’y mamamaalam din sa isa’t isa
Sabi mo mahal mo ko
Sabi mo may pakielam ka
Pero lahat ng inis ko unti unting nawawala
Lahat ng ala ala’y bumabalik sa aking isipan ng paulit-ulit
Kasama ang mga matatamis mong kasinungalingan
Akala mo laro ang lahat
Akala mo nanalo ka na?
Pero sa dulo wala ka namang nakuha
Sa dulo’y meron malaking uwang sa iyong puso
Na naisip kong di mo na mapapalitan pa
Na nagtulong saking makita ang katotohanan na
Kung wala ang pag-ibig mo ako ay malaya
Malaya sa sakit na aking nararamdaman
Malaya sa mga kasinungalingan
Malaya sa mga matang puno ng luha
Dahil wala na ang iyong pagmamahal ako’y tuluyang namulat
Sa katotohanan kung sino ka talaga

Ang Apat Na Magkakaibigan salin ni Enoch David





Ang Apat Na Magkakaibigan

Isang araw sa isang maliit na nayon may nakatirang apat na Brahmins na ang mga pangalan ay Satyanand, Vidhyanand, Dharmanand at Sivanand. Sila ay lumaking magkakakasama at sila ay naging matatalik na magkaibigan. Sina Satyanand, Vidhyanand, at Dharmanand ay napakatalino. Ngunit si Sivanand ay inuubos ang oras niya sa pagkain at pagtulog. Siya ay sinasabihan na hangal ng lahat. Nagkaroon ng taggutom sa nayon. Ang mga pananim ay namatay. Ang mga ilog at lawa ay natutuyo. Ang ibang naninirahan sa nayon ay lumilipat sa ibang nayon para mabuhay. “Kailangan na nating lumipat kundi tayo ay mamatay katulad ng iba,” sabi ni Satyanand. Ang lahat ay sumang-ayon sa kanya. “Pero paano si Sivanand?” tinanong ni Satyanand. “Kailangan ba natin syang isama? Wala naman siyang alam. Hindi natin siya pwedeng isama,” sabi ni Dharmanand. “Magiging pabigat lang siya.” “Paano natin sya iiwan? Lumaki tayong magkakasama,” sabi ni Vidhyanand. “maghahati-hati tayong apat kung ano ang malilikom natin sa isa’t isa.” Sila ay sumang-ayon na isama si Sivanand. Dinala nila ang mga importateng bagay para sa kanilang paglalakbay. Habang sila ay naglalakbay kailangan nilang pumunta sa isang gubat. Habang sila ay naglalakad sa gubat may nakita silang buto ng isang hayop. Sila ay nagtataka at huminto sa paglalakad upang tignan ang mga buto. “Ito ay mga buto ng isang leon,” sabi ni Vidhyanand Sumang-ayon ang iba. “Ito ay isang magandang oportunidad upang sukatin an gating kaalaman,” sabi ni Satyanand. “Kaya kong ipagdugtong ang mga buto.” Ipinagdugtong niya ito sa kaanyuan ng isang leon. Sabi ni Dharmanand, “Kaya kong ibalik ang mga laman nito.” Ang walang buhay na leon ay nakatabi sa kanila. “Kaya kong buhayin ang leon.” Sabi ni Vidhyanand Bago niya ito buhayin si Sivanand ay napatalon sa kanya upang pigilan ito. “Wag! Wag mong buhayin ang leon pwede nating ikamatay ito,” paiyak niyang sinabi. “Duwag! Hindi mo ako mapipigilan sukatin ang aking kaalaman,” Pasigaw na sinabi ni Vidhyanand. “Narito ka sa amin dahil ako ang nakiusap sa iba para makasama ka.” “Kung gayon hayaan mo akong makaakyat sa puno,” sabi ni Sivanand habang takot na umakayat sa malapit na puno. Nang nakaakyat si Sivanand sa mataas na sanga ng puno binuhay ni Vidhyanand ang leon. Pagkabangon, ang leon ay nagatungal at pinatay ang tatlong matalinong Brahmins.


Ang Matalinong Magnanakaw salin ni Chamory Tio




Ang Matalinong Magnanakaw



Si Devan ay isang matalinong magnanakaw. Pinagnanakawan niya ang mga mayayaman at binibigay sa may mga sakit at mahihirap lahat ng nanakaw niya. Yung ibang magnanakaw ay naiinggit sa kanya. Nagplano sila na tanggalin siya. Kayat hinamon nila si Devan na nanakawin ang pantulog ng hari. Tinanggap ni Devan ang hamon. Tapos noon ay naghanda na siya upang gawin na ang pagsubok na ibinigay sa kanya. Gumawa siya ng plano kung paano niya ito mananakaw at inihanda ang pag-iisip niya. Pinuntahan niya ang palasyo ng hari at natagpuang tulog ang hari. Binuksan niya ang isang boteng puno ng mga pulang langgam. Kinagat ng mga langgam ang hari kaya nagising siya at humingi ng tulong. Nagmadaling pumasok ang mga ‘katulong’, at nagkunwaring maghanap ng mga langgam. Kinuha ni Devan ang padyama ng hari at umalis. Yung ibang mga magnanakaw ay nagulat sa nagawa ni Devan. Ginawa nilang lider si Devan.



Miyerkules, Disyembre 13, 2017

Mananatili O Lilisan salin ni Angel Escano


Mananatili O Lilisan 



Lumipas ang araw, buwan, at taon,

At hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang pagbabago
Kahit anong mangyari, nananatiling wala ka pa rin.
At kung paano ka nalang biglang lumisan ay talagang kakaiba.

Walang paliwanag,walang babala, bigla nalang nawala
Sana meron akong kahit kaunting lakas ng loob gaya mo
Gaano kalayo mula sa isang lugar para manumbalik
Upang lumisan ng maulan o madaling araw
Upang lumisan ng walang iniiwang mensahe

O para mawala nalang, hindi lang,
Pero sa dami ng araw na gusto kong lumisan,
Hindi upang makita,hindi upang maramdaman,hindi upang marinig, ang multong ikaw, na pinapangarap kong makasama

Mas gustong kong manatili at marami pa ang gusto kong malaman.



Magmahal Pagkatapos Magmahal salin ni JC Laderas

Magmahal Pagkatapos Magmahal 



Darating ang oras

Ng may kasiyahan
Babatiin mo ang sarili mong dumarating
Sa iyong sariling pinto, sa yong sariling salamin
At parehong ngingiti sa bati ng isat isa
Iibigin mo muli ang estranghero na iyong sarili
Sasabihin, umupo ka at kumain
Sa sarili nito, sa taong hindi kilala na nagmahal sayo
Bigyan ng alak. Bigyan ng tinapay. Ibalik mo ang iyong puso
Ipunin mo ang liham ng pagmamahal mula sa istante
Buong buhay mo, na hindi mo pinansin
Para sa isa pa, na nakaaalam sayo ng buong puso
Umupo, at magpakasaya sa buhay mo.
Ang mga litrato, ang mga talang desperado
Alisin mo ang iyong imahe mula sa harap ng salamin

https://www.poemhunter.com/poem/love-after-love/

Lunes, Disyembre 11, 2017

Ang Dalawang Palaka salin ni Daniel Costales


Ang Dalawang Palaka 


 Merong isang grupo ng palaka na naglalakbay sa kagubatan, at habang naglalakbay sila nahulog ang dalawang palaka sa isang malalim na hukay, sabi ng mga kasamahan nila na sila ay wala ng pagasang makaakyat at masmabuti pang sila ay mamatay na upang ang buhay nila ay mas mapadali, ngunit hindi pinansin ng dalawang palaka ang mga pinagsasabi ng ibang palaka at patuloy silang buong lakas na tumatalon upang makaalis sa hukay. Ngunit patuloy parin na sinasabi ng ibang palaka na tumigil na sila at masmapapadali pa ang buhay nila. At nang sa gayon, ang isang palaka ay tumigil na sa pagtalon at patuloy na nahulog sa hukay at namatay.

Ngunit ang isang palaka ay hindi nag paawat at patuloy paring tumatalon. At sa muli, ang mga ibang palaka ay nagsigawan at sinasabing tumigil na siya sakakatalon dahil lalo lang siyang masasaktan at sinasabi nilang masmabuti pang mamatay na lang siya, ngunit mas malakas pang tumalon ang palaka habang sinasabi nila ang mga bagay na iyon hanggang sa siya ay nakaalis sa hukay. Nang makaalis siya sa hukay tinanong ng ibang palaka kung narinig niya ba ang mga pinagsasabi nila, at ng sandali ipinaliwanag ng palaka na siya ay bingi at akala niya'y siya ay buong magdamag na hinihimuk ng kanyang kapwa palaka. 


https://www.moralstories.org/two-frogs/

Panaginip salin ni Raan Tajonera

Panaginip Kumapit ka ng mabuti sa panaginip Bago ang panaginip ay mamatay Ang Buhay ay parang sirang pakpak ng ibon Hindi ito pwedeng l...